Chapter 11, Page 29, 2013 Edition.

Kung si Rizal masaya sa Ateneo, ikaw ba naging masaya sa CvSU?

isang salaysay buhat sa isang takdang-aralin

Ang pagpili sa Cavite State University bilang aking pangatlong tahanan ay isa sa aking kagustuhan. Marahil, madaming di kaaya-ayang bagay ang maaring makita sa unibersidad na ito, mahabang pila, maduming mga palikuran, maiingay na mga estudyante habang nagkakalase, mga silid-aralan na kung minsa’y nawawala pa. Ngunit sa kabila nito, bilang isang mag-aaral ay ayos lang sa kadahilanang wala namang perpektong unibersidad para sa hindi perpektong mag-aaral.

Ang isang mag-aaral tulad ko ay di pumapasok sa Universidad para pansinin ang lahat ng mga bagay na maaaring makita sa loob ngunit para sa akin, mas naging masaya ako sa unibersidad na ito dahil sa mga bagay na aking naranasan, mga bagay na aking nalaman at napagtanto at higit sa lahat, sa mga taong aking nakilala buhat ng aking pamamalagi sa unibersidad.

Hayaan ninyo akong simulan ito sa mga bagay na aking naranasan. Maraming nagsasabi at maging ako ay naniniwala, na may mga bagay na di mo mararanasan kung wala ka sa tamang lugar at oras. Sa CvSU ko naranasan ang pagiging isang indibidwal na may kalayaan. Kalayaan sa larangan ng paniniwala at pagkilos. Ang lahat ay malaya na paniwalaan ang isang bagay depende sa kanyang pagtanggap at pagtugma ayon sa kanyang nasasa-isip. Dito ko naranasan maging isang lider ng isang organisasyon, maipahayag ang aking nasa saloob at aking mga opinyon at paninindigan sa buhay. Maidagdag ko na lang din ang mga di inaasahang pangyayari kung saan naranasan ko kasama ang aking mga kaiskwela na mapagalitan, masermunan at maikumpara sa ibang pangkat. Ngunit di ko ito pinagsisisihan dahil sa kabila nito, aral ang aking nakuha.

Sa kabilang banda, sa unibersidad na ito ko nalaman ang maraming bagay. Dahil sa mga kakaibang guro at estuyante ay marami akong napulot at naitapon na din na mga idelohiya. Narito ang mga kaalaman patungkol sa personal na buhay, sa pulitika, sa  paghahanap ng trabaho, kung paano papasa sa isang asignatura at maging sa paghahanap ng pag-ibig buhat sa pag-aaral. Nakakatawa na ang lahat ay may kani-kaniyang karanasan na mas nagiging aral sa buhay ng iba.

Hindi ko tinatanggi ang mga kaalaman na maaaring makuha sa pagbabasa at pagsasaliksik, ngunit para sa akin, ang buhay na ating nakikita ang siyang tumatatak sa isang buhay ng estudyante. Ang mga naging karanasan ng ating mga guro at maging ng ating mga kamag-aral ang siyang nag-iiwan ng bakas sa ating mga isipan at nagiging imahe o hulmahan ng ating pamumuhay. Kung kaya ang pag-aaral sa isang malayang unibersidad ay isang malaking hamon at pakikibaka sa kadahilanang kailangan mong suriin ang mga bagay bago mo ito tanggapin o baliwalain.

At ang pinakahigit na rason kung bakit ako naging masaya at maligaya sa aking pamamalagi sa CvSU ay ang mga taong aking nakilala at nakasalamuha na hindi ko na ulit makikilala kung sakaling ako ay nag-aral sa ibang unibesidad. Una na rito ay aking mga kamag-aral na sa unang pasok ko pa lamang ay akin nang nakasama at nakagaangan ng loob. Sila ang mga taong dumamay at nagbahagi ng kanilang mga buhay at karanasan na akin din kinapulutan ng aral. Ang aking mga kamag-aral ay isa sa mga taong aking naging takbuhan sa mga panahong kinakailangan ko ng kausap, kritismo at pag-asa.

Kasunod nito ay ang mga huwarang guro na aking nakilala bagamat ang ilan ay maraming alam ngunit may kasama pa itong mga salita na kung minsa’y nagiging dahilan ng pagpantig ng aking mga tenga. Ang sabi nga ng ilan, sila ang ating  pangalawang magulang habang tayo ay wala sa ating mga tahanan. Hinuhubog nila ang ating mga kaisipan upang malaman ang mga bagay na maaaring tumulong sa atin sa pag-abot ng ating mga pangarap. Ito ay aking sinasang-ayunan at ang maganda pa rito ay hindi lang kaalaman ang kanilang naibabahagi ngunit maging ang kanilang buhay mag-aaral. Kung paano sila ay minsa’y ding nagkamali, napagalitan, napahiya at kung minsan pa ay gumawa ng kalokohan. Ito ay kanilang ibinabahagi upang atin na itong di gayahin at maari din namang hugutan ng lakas ng loob para gayahin at sisihin sa bandang huli. Para sa akin, may mga guro man na matalino, mabait, masungit, walang pakielam, mga gurong deboto sa kanilang pagtuturo, gurong radikal at mabagsik sa pagsasabi ng iba’t-ibang salita, mabuti man o masama, ako ay natuto sa kanila upang maging isang marangal at kakaibang mag-aaral na hindi maaring maging isang lalagyan na lahat ng iyong ibubuhos ay akin na lamang tatanggapin. Aking natutuhan na kailangan kong salain ang mga bagay na kanilang ipinapahayag na maaaring maging parte nga aking buhay.

At higit sa lahat ng aking nakilala na tunay na nagpakulay ng aking buhay bilang isang mag-aaral ng Cavite State University ay ang mga batang kasama ko sa aking paniniwala, ang “New Breed of Leaders ”. Sila ang grupo ng mga mag-aaral na hindi lamang nag-aaral ng mga asignatura ngunit maging sa sinasabi ng Diyos. Sa kanila ko mas natutuhang mamuhay bilang modelo dahil nakatingin sila sa aking buhay at tema ng paggalaw. Bilang isang modelo, hindi ko maaaring gawin ang isang bagay ng hindi lubos na pinag-iisipan. Bawat pagkakamali ay may karampatang parusa at kahihinatnan.

Bilang pagwawakas, masasabi kong tunay na masaya ako sa Cavite State University. Ang pagtigin sa mga bagay na nakikita ay hindi maaaring basehan ng kaligayan bagkus ang mga bagay na ating naranasan ang siyang tunay na ating titingnan na kayamanan at sa tuwina’y aalalahanin natin ng lubusan.

 

How I miss my old self. She’s never a cynical but a ball of sunshine. She was never been swallowed by fear, but she had a sword of confidence and competence. I miss you.

Leave a comment