Ser Mong Day

Disclaimer: Sobrang Haba po nito, parang isang Nobela hahaha. Finally nakapagsulat (type) na ako patungkol sa mga nangyayari. 

Anu ba yan.. hanggang ngaun.. di ko pa rin alam kung paano sisimulan itong entry na to.

Honestly… up to this time.. di pa din ako nakaka move-on? or sabihin na lang natin na di pa din ako makapaniwala na mapapangyari namin ang bagay na ito?

Paano nga ba nabuo ang planong ito? Bakit nga ba binuo at pinagplanuhan? Di pa naman pasahan? di pa nga tapos lahat magDemo ee… at katatapos lang ng OBE Seminar..

Saang banda nga ba napulot ang ideyang tila imposibleng gawin.. ngunit naitawid? (Naitawid talaga yung term kasi ang daming epic fail na nangyari.. buti na lang.. mejo pagod si Ser Mong at di nya yun masyadong pinansin.)

Grobi.. Grobi..

NapaResearch ulit ako ng dates for this entry.. hahah wala lang.. ngayun lang magkakaroon ng makabuluhang entry kaya pagbigyan niu na ha?! (ang aangal… please please.. mag-Agree na lang kasi ^^)


March 28, 2018

Dahil nasa bahay lang naman ako, bukas ang internet.. bukas ang facebook? swipe.. swipe… boring na sa facebook.. punta kay instagram… scroll.. scroll… tapos bigla…

Capture6

 

uy.. teka.. anung meron? May pinagdadaanan ba si Ser Mong? Uso pala un kay Ser (sobrang positive kaya ng taong yun… feeling close? haha) Tapos ni-click ko ung profile ni Ser sa IG.. may nauna pa pala syang post..

It made me wonder, what’s going on? Self-battle? Siguro.

Based kasi sa post ni Ser, he was encouraged by his old self. Meaning, he’s going through something, may namimiss sya sa sarili nya noon? mga bagay na di na nya nagagawa o nararanasan ngaun?

Well.. shempre.. its not good to assume nor to conclude things you do not know. But one thing i’m sure about, something is going on within himself.

So.. i just made a comment to encourage sir, yung tipong pang-first aid lang..hahaha. Kasi di ba, it’s the least we can do for a person who’s hurting? To comfort them kasi that’s what they need by the hour (wow.. nagmamagaling na naman ang krung krung sa grammar HAHAHA)

At that time, I’m already thinking to make an Appreciation Move in any form possible. (Dun lang sa part na un masasabi kong mejo magaling ako? sana) Pwedeng letter, surprise or video? Anything na mapi-Feel ni Ser na sya ay Special sa kanyang mga estudenyante, sa aming TCP. Na hindi sya nothing, he is already something! (Ser kung nababasa niu man to, hindi po ito bola pramis, iPasa nyo lang po ako sa subject niu HAHAHA)

I cannot do this alone. I don’t have any guts to do it? So I ask a close (close nga ba? haha) friend regarding this matter since he and Ser were already close that time (i assume). I ping him in Messenger, and the convo went on like this:

Capture3

Thanks to him, he agreed. Actually, di pa ako papasok the following week kasi nga may Conference sa church. So sabi ko na lang din usap kami the next Saturday, which is OBE Seminar and discuss what can we do for Ser Mong.

Seminar was finished! Thank God di ako masyadong nagkalat sa unahan!!! Nag SB kami ng tropa, then I asked them (Yel, Bert, Joem and Rheg):

C: Guys, okay lang ba na bigyan natin ng surprise party si Ser? feeling ko mejo may pinagdadaaan si Ser.. at saka di ba..si Ser naman ang vitamins ng Saturday (hahaha) may paActivity tapos dun lang tayo literal na gumagalaw..hahahah

Them: OO naman, oks lang noh!

C: Yun! Kasi magbibirthday din ako. Oh di ba.. binibida ko pa .. kahit mag advance celeb ako.. sagot ko pizza.. magkano nga ba yun? hahaha kasi magdemo na din naman ako.. kahit after nun..

Them: Sige lang. G! Kausapin na lang natin mga classmate natin!

 

So ayun! Shoot ang plano!!! Kung di sila nag-agree.. di ko na ipupush. Baka bigyan ko na lang si Ser ng letter tapos yun na yun. Pang encourage lang hahaha

Pag-uwi ko.. sabi ko sa sarili ko? Kelan ba namin gagawin? Next week na agad? Kasi I’m thinking, baka kailangan na ni Ser.. Shempre, di ba.. kapag may sakit..nilulunasan na agad? (Kelan ka pa naging nurse?)

So I chat them again, asking kung pwede sa Saturday na agad na darating, kaso Rheg told me, (thankfully!) na magmeeting muna, para di mabigla mga classmate namin kasi may contribution and they have the rights to understand-fully why we will do it. At saka Demo ko rin nun kay Ser, baka mangarag din pala ako sa pag-pe-Prepare. Kaya buti na lang.. di sya natuloy ng 21.

April 21, 2018

Okay! Demo Day na! I declared an IMPORTANT MEETING! hahahaha

Tapos na Demo ko.. Ayun.. Okay naman kinalabasan. Maligaya akong Worth it ang puyat at pagod sa paggugupit ko. Thank you Lord!

After class, nagpatawag nga ng meeting ang Lola nyo. Then I told them the agenda of the Surprise Project.

C: Guys, ganito kasi yun.. ipangangalandakan ko ng Bday ko next week..28th hahaha.. Tapos di ko sure kung pansin niu, parang may pinagdadaanansi Ser.. (Di ko na pinalawak.) At saka di ba.. kay Ser Mong naman na tayo sobrang saya? hahah yung mga activities ni Ser out of the box.

All of them agreed naman, the only concern that arose was:

"Baka magselos yung ibang teacher?"

I get their point, totoo naman yun. Possible talaga un. So I told them:

C: Gagawan na lang natin Sina Lola Rem at Ma'am A sabihin na lang natin na pang Last day party para sa kanila.. mauuna lang si Ser ng konti, since mukhang kailangan na ni Ser.
   Sagot ko na po lunch, kasi maghahanda naman talaga ako
   (first time kasi na may pasok bday ko..April Baby..tapos Saturday pa..nakakatawa di ba?)

Charmie: Sige, sagot ko na yung pizza..(April din kasi sya)

C: Ayun! G! Thank You Charms! Cake, drinks at pang Decorate at design na lang ang contribution natin.
Go na tayo?
Wala na po kayong aalalahanin. Tapos ko na po yung demo ko, kami na pong bahala sa mga design at preparations, ung contribution na lang natin sa Sat and we're Good!

Them: Sige! Go na Yan!!

And I was like:

 

April 25, 2018

Ayun na.. ngaun pa lang ako nagpe-prepare. 3 days before the big surprise.

I’m still thinking of a theme, design at kung anu ang flow ng party. Since I don’t know personally si Ser, mejo alangan at confused pa ako. Gusto ba ni Ser yung Conyo o mejo formal, o kaya naman okay lang ba na gawin namin syang Bata ulit for once..? hahahah

I can’t make it on my own. Need ko ng help, I chat Rheg ulet.. (well.. sya yung madalas magreply during those times)

I told him about the things I’m planning, mga need bilhin.. mga possible theme and he replied:

Capture4

Tama.. Just do what we feel.. ma-aapreciate nya un for sure

April 27, 2018

Eto na… ngayun pa lang ako nag-gugupit… ang nakakaloka kasi.. magde-Demo pa ako kay Ma’am Arcon. Ouch.. ee need ng prep un.. kahit ulit lang naman.

Yung party yung first priority? Bakit? Kasi hindi yun graded. We will show appreciation to a teacher and feelings cannot be graded.. nor can be measured. We will express how thankful we are for being his students.

Besides, nakakahiya din sa mga classmate namin pag naging fail after nila makipagcooperate. It was a collaborative effort and surely kahit anung mangyari, the fact na lahat kami involve is a BIG and Memorable for all of us.

 

Nalimutan ko na nga din na birthday ko pala bukas.

 

12midnight na!! HAPPY BIRTHDAY SELF!

Kaso hindi ito ang tamang oras para gawin yan, need to finish the props .. simple lang naman yun kaso mejo mahirap mag-gupit. Pero nakaka-enjoy kasi hindi mo yun ginagawa para sa sarili mo, pero para sa ibang tao. Namiss ko tuloy yung high school days ko na parati akong nagbibigay ng personalize letters and gifts sa mga friends ko…

Gising.. gising.. gising… wag muna mag-balik tanaw. Focus muna sa party.

 

So ayun na nga, I turned off the lights 2am in the morning and woke up by 5:30

WOW.. Hello World! 25 ka na oy!

 

Natapos naman lahat maliban sa video. Sa school na yun. Madali na yun. Hala sige, bangon, ligo, damit, suklay, pasok!

 

Pagdating sa school, singilan na.. hahah! Natapos ang madugong computation sa Assessment. Hala… Facilitating Learning na.. Hala..kinakabahan ako ng bongga.

 

Yung isip ko.. nagtatanong na naman.

Paano pag nabuko kami ni Ser? Paano pag wala sa mood si Ser? Pero ang pinaka kinatatakutan naming lahat. PAANO PAG DI PUMASOK SI SER! TAPOS TAYO NYAN! 

 

Well.. pumasok naman si Ser, suot yung “EDUCATOR” na gift namin sa kanya last year. Mejo tahimik at pagdating namin sa room, sinabihan nya lang kami na magprepare na yung mga magdedemo. Weird. Kasi iba yung awra ni Ser. Parang Grey. Di matingkad ang kulay.

Thinking that maybe.. maaga lang nagising si Ser, hinayaan na namin. Ni-grab namin ung opportunity na magprepare.

Biglang nawala si Ser. Kaya naman nagdikit na kami sa likod ng White Board ng mga Props namin. Mga balloons at yung cartolina, natatakot nga kami kasi baka mahulog si Superman. (Di namin afford magCostume, kaya nagprint na lang kami hahaha.. mamaya makikita nyu ung ichura)

34200321_10213477037014734_4339760978808799232_n

habang nagdidikit, nawala bigla ung tape, edi sigaw ako.

Hanep! Napalakas yung boses ko. Sabi ko “Nasaan ang Double Sided TAaaaappppp…..e

Di ko na natapos kasi biglang sumulpot si Ser sa munting pinto sa likod. Pinagpawisan ako ng malamig kasi.. kasi.. yung tingin ni Ser parang nagtataka kung bakit ako galing sa likod ng white board. Eh hindi naman ako magdedemo, pagkatapos, yung setting ng demo ay Private School. There’s no way na may magdidikit ng kung anu-ano sa board.

 

So deadma lang.. derecho upo sa upuan na parang walang nangyari. And the Demo starts now!

Habang nagde-Demo si Yel (since sya yung una) dun ko ginagawa yung video sa phone. (salamat sa technology hahaha.)

Sa kalagitnaan ng demo, nagloloko ung TV (naka-HDMI kasi sya for her PPT) from time to time nagbibigay ng instructions si Ser kung anu gagawin. I’m initiating na ayusin kasi hindi pwedeng pumunta si Ser sa unahan kasi, isang maling lingon lang, tapos na lahat. hahahaha

 

Yung mga unang pitik ng monitor, tolerable pa naman, kaso nung napansin ni Ser na masakit sya sa mata, bigla syang tumayo at lumapit sa monitor. Nagtitinginan ang lahat. Nangangamba, kinakabahan.

 

Bigla ako pumunta sa unahan, kunwari,inayos yung upuan, pero tinulak ko lang talaga ng palihis ung white board para di masilayan ung nakadikit.

 

After nun, nakipagparticipate na ulit ako just like the usual demo. After ni Yel, si Wenchie na ata.. (Fact na Fact! hahaha) mejo nagkakagulo na ang mga kalamnan namin.. kasi nagta-Tantsa kami ng oras.. kasi oorder pa ng Pizza sa SNR at Cake. Kailangan na ba umalis? sinong bibili? may sasakyan ba?

So ayun, pahelp ulit kay Brad Rheg (wala po kaming Frat, mas komportable lang sa tawagan na yun)

C: Brad anu? what time kau alis? Sino sasama sa iyo? pumayag na ba si Pastor sa sasakyan?

R: Ngayun na brad? anu ipapaalam namin kay Ser? Okay na ung kay Pastor. Kaso anu sasabihin natin kay Ser?

C: Sabihin niu birthday ko (pambihirang bday yan.. gamit na gamit hahaha) bibili kau ng cake para sa akin

R: Noted Brad (May kasama pang picture sa phone ko kaso binura ko na brad. Close up masyado haha)

 

So ayun na nga.. parang ang gaslaw ko ng mga times na yun, hiningi ko pambili kay Charmie ng pizza (busy pa kasi sya sa leseson plan nya kasi demo nya after), kay Pastor para i-confirm yung sasakyan, kay Ma’am Gemma para sa demo nya na di makakasama sina Pastor at kay Rheg para iabot yung pera. (Tapos nakikita pala kami nun ni Ser. Kakahiya! hahah)

 

Ayun! Success! Nakaalis na sila at demo na ni Ma’am Gemma. Smooth naman lahat.

Ang daming paActivity ni Ma’am Gemma, di na nga namin naalala na may party pala. Humataw pa kami sa pagkanta. Tapos nakakahiya na (di din pala ganung kasaya pag may pasok yung birthday. Walang katapusang pagbati at pagbanggit ng namemo. nakakhiya.) kasi pinakanta pa ang buong klase ng Happy Birthday. Aigoo!

Tapos biglang may sumesenyas sa labas.. si Pastor bitbit ung pizza. Nagtatanong kung saan ilagagay! Eh di ang lola mo lumabas para magbigay ng instruction. Hanep! Nagjojoke pala! Tapos si Rheg nagtataka kasi ang paalam pala nila,

"Bibili po kami ng cake, i-su-surprise si ....."
Tapos sinalubong ko yung cake! Ay walanjo!

Tapos. Nangangamba na kami. Pero sabi ko sa kanila, okay lang.. wala na tayong magagawa, ipasok na lang natin. Ang mahalaga wala munang magsasalita. hahaha

So deadma v.2. Dens lang.. tuloy ang pa-activity ni Ma’am Gemma. At natapos ang Demo.

So, pumunta na ako sa harapan. Nagbigay ng signal para buksan ang maliit at malaking cake, (nagdadasal na sana di mahalata ni Ser.)

So kumanta na lahat ng Happy Birthday. Since nasa harapan na ako, habang hinihila ang White board (na nasa gilid) papuntang gitna. Lumalapit na yung maliit na cake.. tinitingnan ko si sir.. nakikiSabay naman sya.. nakaFocus sa unahan.

huling linya na ng kanta..

“………. haaaappy biiiiirrrrrthhhhhhdddddayyyyy tooo  yoooooouuuuu….”

Binaliktad ang White Board! At Tada! Thank You Ser Mong! Lab Ka Namin!!

31493758_10213253627309631_7537110766265040896_n

 

Video of Yel (ni-upload ko lang)

Please Focus on sa time na “00:31-33”

Yung tanong na di namin kayang sagutin ng derecho kasi, gusto lang namin maging masaya si Ser. Gusto lang namin na maramdaman nyang Special sya sa TCP! Sa mga estudyante nya! awww! (bigyan ng 1.25 yan hahah)

 

Sinundan yan ng Video na para sa lahat. Compilation ng mga memories namin from EdTech to Facilitating Learning.

 

At eto na yung video na di namin inaasahan. Gusto kong umiyak, sa sobrang kagalakan. (kaso naalala ko, di ko yun moment hahaha) sa sobrang saya dahil alam naming kailangan ni Ser yun, di man nya sabihin at ipakita. Ramdam ba. hahah (Ang corny ko na.. pero totoo yun)

 

Bago kumain, nagpicturan shempre, si Ser ng solo with our Little Tarpauline haha Ser Mong in his Superhero costume, Super Eman! hahaha (taba talaga ng utak ni Ser Mong!) Tapos picture ng buong klase. Wow. Class picture in an instant!!

dav
Gracing the Cover of TCP Magazine.. joke! hahaha

31404278_10213253627029624_4897055512568266752_o

dav
From TCP B with Love

31453749_10213252394038800_1269194451222265856_n

Our Ultimate LODI

sdr
TEAM TCP-B
sdr
WE’RE NOT ABLE TO BUILD FRIENDSHIP, RATHER WE BUILT FAMILY

 

Di masyadong nakapag picture, mejo late na din kasi natapos yung Demo kaya need din naming magmadali kasi may klase pa sa Principles of Teaching.

Habang kumakain, di ako makasubo, dun ko lahat naramdaman yung pagod at puyat. Pero higit dun, naramdaman ko yung kagalakan, yung diwa ko di pa nakaka-move on. Iba kasi yung saya pag nakita mong napasaya mo yung ibang tao. Surreal! Grabe! Sobra akong na-o-overwhelm. First time ko makaExperience na mang Surpise ng teacher and with the help of the whole class.. It was a MAJOR SUCCESS!!!! Muntik pa nga namin malimutan yung gift namin kay Ser. Di na namin napicturan pero that gift was meant for him. (yung nakalagay actually hahaha)

After Party Pictures. Yung tipong nagliligpitan at nag-aayos na ng Laboratory hehehe.

dav
Iboto sa Senado hahaha
dav
Hinga na tayo ng bongga! Success!
dav
Campaign Managers hahaha

My Birthday was never been this JOYOUS! Thanks to them, It was Great and Meaningful. Sobra.. As in.

 

Tapos na… naglilikuman na ng mga kalat. Nawala si Ser.  Pero inantay ko si Ser. Well Birthday ko naman, ni-Kapal-an ko na face ko magpapicture hahaha. Taaadaa!

with Super Eman

Wacky!

After ng party, derecho na lahat sa Principles of Teaching. Demo ni Eden, hahaha. Tapos si Joemari, biglang nagbukas ng data, at ayun, biglang sinabi na may NOBELANG POST si SER MONG sa facebook! hahaha

Yung nag-aactivity pero kami facebook ung inaatupag hahaha

Grabe lang! As in Timely! (tama ba?) Need talaga ni Ser. Nasagot yung mga tanong namin. Kaya pala pabalik balik si Ser sa munting pinto, kasi masama pakiramdam nya. Kaya pala ganun yung post ni Sir. Tapos nakalagay pa,

#kayoangtunaynaLODIko

Pag-uwi ko ng bahay, nagPM ako kay Ser, nag Personal message lang.. hahaha since walang time kanina sa school. I just want to personally thank him for being a friend sa aming lahat, lalo na nung sharing. Yun siguro yung di ko malilimutan sa FL kasi I put my guard down unexpectedly (warning: wag papasok ng less than an hour ang tulog?) at yun, I was able speak out my well-hidden thoughts.

Capture5

 

Wala na kaming masasabi kundi.. Tagumpay! Salamat sa kooperasyon ng bawat isa!

Samantala, Umuwi si Brad after party, actually kailangan kasi Family matter.

Nagkachat kami nung gabi. pag uwi.. madaling araw na halos, kasi nalimutan nya pala akong batiin ng happy birthday. And the convo went on like :

Capture

31492726_2408255335857508_3692823511144857600_n31395460_2408255469190828_4820070448580526080_n31404231_2408255565857485_6269748539501314048_n

31444741_2408256172524091_5699780124187033600_n

Since April 28 ito nangyari, at June 6 na ngayun (ngayun ko lang nailagay sa words hahah)

Nakapagkwentuhan kami ni Ser Mong, end of May na din yun nung nakinerbyos ako sa mga classmate ko. Napag-usapan namin ng konti yung naganap na party.. hahahha Nagkaungkatan na ng mga epic fail namin nung party na na-overlook na ni Ser pero at the back of his mind, confused? hahaha

Yung pagbili ng cake, surprise daw, ee nakita ni Ser nagbigay ako pera! hahaha Hanep.

Bakit di magkaparehas yung size ng cake? kawawa naman daw yung maliit hahaha

Tapos yung pagpunta ni Ser sa unahan at muntik muntikan na yung Precious White Board hahaha

Tapos dun na din naExplain bakit nga ba nag-kaparty.

Oh ayan na! Natapos na yung pangako ko. Hahaha

Kung tatanungin ako, anu ung pinaka hindi ko malilimutan sa buong araw, (well halos buong pangyayari di ko talaga malilimutan) nung nagPost si Sir sa Facebook ng:

Natapos ang kainan uuwi ako mamayang masaya. Bago matapos nasabi ko sa kanila na kahit matapos na ang TCP, na kahit ano ang mangyari sa hinaharap, lagi niyo tandaan bakit kayo nagsimula, bakit kayo nageduc units, bakit kayo magtuturo 

Masaya kami na naging masaya ka Ser at parati ka sanang maging masaya! Salamat sa mga words of encouragement nyu! Thank you at sana po, di mawala yung passion niu sa pagtuturo, madami pa pong estudyanteng may kailangan ng Tatay na katulad ninyo.!

TCP B will always be here, right behind you!!!! Lab ka namin Ser!

Happy Birthday Ser! hahaha

PS: Ginawa ko itong entry na ito for me to remember wonderful times, baka kasi pag tanda ko, di na kayanin ng Long Term Memory ko na itago lahat, kaya I put it into writings. Hope you had fun. ^^

Leave a comment